Apektado nang pagbaha ang mga residente sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan sa kabila nang pagganda ng panahon.
Kasunod na rin ito ng back flooding o tubig na bumababa mula sa Calumpit at iba pang kalapit lalawigan.
Nabatid na nananatiling mataas ang tubig baha at malakas ang daloy nito sa labangan channel sa Hagonoy.
Pumasok na rin ang tubig baha sa bahay ng ilang residente ng barangay San Pedro na malapit sa Labangan Channel.
11:00 kagabi nang magsimulang tumaas ang tubig baha kayat kaagad ini evacuate ang ilang pamilya nakatira malapit sa nasabing channel.
Samantala, libu libong residente rin sa Calumpit ang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig baha.
Ayon kay Calumpit Mayor Jessie de Jesus, 25 mula sa 29 na barangay nila ang binaha ng hanggang tuhod at dibdib simula rin kagabi.
Pinakilos na rin ang rescue teams maging sa mga karatig na bayan para tumutulong sa pagsagip sa mga binaha.
Posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo bago tuluyang mawala ang baha.
By: Judith Larino