Mahigit 250,000 manggagawa sa tourism sector ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay ng Employment and General Administration Cluster ng DOLE, kabilang ang mga nasabing tourism workers sa mga nakinabang sa pondo ng CAMP na nagkakahalaga ng P1.26 bilyon.
Ipinagmalaki ni Tutay na mayroon pang tinatayang P1 bilyong na pondo para sa turismo at kanila itong ilalaan sa mahigit 200,000 pang manggagawa sa nabanggit na sektor.
Sa ilalim ng CAMP, makakatanggap ng one-time cash assistance ang bawat benepisyaryo na nagkakahalaga ng P5,000.