Pumalo na sa higit 2,000 katao ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Bising.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 2,055 na ang mga na-stranded na indibidwal; 16 na sasakyang pandagat; at higit 800 mga rolling cargoes ang hindi pinayagang makabyahe dahil sa sama ng panahon.
Bukod dito, aabot sa 48 barko at 26 na mga motorbangka ang lumikas para pumunta sa mas ligtas na lugar.
Sa huli, nagpaalala ang PCG sa publiko na mag-ingat ngayong may bagyo at huwag kakalimutang sumunod sa mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.