Maaaring gamitin sa contact tracing ng mga lokal na pamahalaan ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nangangailangan kasi ng mga karagdagang contact tracers ang mga LGU kaya’t makakatulong dito ang kanilang programa.
Ang TUPAD ay isang emergency employment program para sa mga walang trabaho o informal sector workers.