Isinusulong sa Kongreso ang pagkakaloob ng tax benefits sa mga pribadong korporasyon at mayayamang indibidwal na mag-i-sponsor ng bakuna para sa 933,000 teachers at 23 million students sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa House Bill 9200, maaaring makabawi ang mga private entities ng 150% sa kanilang ginastos sa bakuna sa pamamagitan nang pagbabawas nito sa babayaran nilang buwis sa gobyerno.
Maliban dito, layon din ng panukala na maisama ang mga COVID-19 vaccines bilang donasyon sa ilalim ng Adopt-a-School Program.