Mabuti na ang lagay ng business tycoon na si Lucio Tan matapos tamaan ng COVID-19.
Pahayag ng anak na babae ni Tan na si Vivienne, nagpapagaling na ang kanyang ama kaya’t humihingi ito ng dasal para sa agarang paggaling ng negosyante.
Si Tan ang kasalukuyang chairman ng LT Group na siyang may-ari ng Philip Morris-Fortune Tobacco, Asia Brewery, Tanduay Distillers at Eton Properties.
Ayon sa Forbes, si Tan ang pangatlo sa pinakamayaman sa buong bansa na mayroong net worth na $3.3 billion dollars o P160 billion.