Halos nasa 50,000 lagda na ang sumusuporta sa online petition na nananawagan sa resignation ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano maayos na coronavirus disease 2019 (COVID-19) response ng gobyerno at pagiging sunud-sunuran sa China.
Ayon ito kay Dr. Edelina Dela Paz, chairperson ng Health Alliance for Democracy, na nagpapatunay na maraming Pilipino na ang hindi natutuwa sa ginagawa ng pangulo at sakali mang hindi siya magresign, ang online petition ay magdudulot ng awareness sa mga tao na kailangang magsalita at manindigan.
Binigyang diin ni Dela Paz na ang online petition ay hindi political statement kundi authentic call o makatuwirang panawagan para magbitiw na sa puwesto ang Pangulong Duterte.
Ang change.org petition na may titulong “Save the Nation! Duterte Resign!” ay una nang nilagdaan ng 500 medical workers, abogado, negosyante, miyembro ng academe, media workers at civic leaders.