Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia o SEA na may pinakamaraming doses ng COVID-19 vaccines na naibigay sa mga mamamayan.
Sa inilabas n datos ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 1,456,793 doses ng bakuna na ang naibigay ng Pilipinas.
Sumusunod ang bansa sa Indonesia na may 15, 811, 449 doses habang nasa ikalawang pwesto ang Singapore na may 1, 667,522 doses.
Nasa ikaapat na pwesto naman ang Myanmar na may 1,040,000 at nasa ikalimang pwesto ang Malaysia na may 1, 018,937 doses.
960, 191 na health care workers ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 191, 982 ang nakakumpleto na ng ikalawang doses.
Habang nasa 128, 018 ang senior citizen ang nabigyan ng unang doses at wala pang ikalawang dose .
Nabigyan na rin ng unang dose ng bakuna ang nasa 176, 305 na indibiduwal na may comorbidities .
Kabilang sa mga bakunang ginamit ng Pilipinas ay ang isang milyong doses ng Sinovac na donasyon mula sa Covax facility at 525, 600 doses Astrazeneca at isa punto limang milyong doses ng Sinovac na binili ng gobyerno sa China.—sa panulat ni Rashid Locsin