Posibleng payagan na ngayong Abril ang pagpapadala muli ng mga Pilipino Household Service Workers o HSWS sa United Arab Emirates (UAE).
Ito ang inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA na natigil noong 2014.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia , magsasagawa muna ng labor attache ng verification process na aasikasuhin ng poea ang accreditation process
Kung maagang maaayos ang mga kinakailangang proseso ay maglalabas ang POEA ng Overseas Employment Certification o OEC para sa deployment ng hsws.
Samantala, sinabi ni Olalia sa sandaling matapos ang guidelines at verification process magsisimula ng magdeploy ng HSW SA UAE.
Magugunitang, napagkasunduan ng mga Filipino Household Service Workers na ituloy na ang deployment ng HSW sa naturang babasa sa gitnang silangan simula noong ika-31 ng Marso.—sa panulat ni Rashid Locsin