Pansamantalang isinara muna ang 12 vaccination center sa Quezon City dahil sa kumakaunting suplay ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Normal Task Force Co-Chairman Joseph Juico, itinigil muna ang rollout habang hinihintay pa ang panibagong supply ng COVID vaccine.
Inaasahan aniya ang pagdating sa weekend ng 6,500 doses na COVID vaccine ng sinovac.
Dahil dito, aabot na sa 10,000 doses ang total vaccine suplay ng lungsod.
Gayunman sinabi ni Juico na kulang pa rin ito dahil sasapat lang aniya ito sa dalawa’t kalahating araw para sa mga residente ng lungsod.