Kumpirmado na mga New People’s Army (NPA) ang pumatay kay Loreto, Agusan del Sur Mayor Dario Otaza at anak nito na si Daryl.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Restituto Padilla sa panayam ng Ratsada.
Ayon kay Padilla, base sa mga hawak na ebidensya ng Armed Forces of the Philippines at pagkaka-identify sa leader na gumawa ng pagpatay, maliwanag na New People’s Army (NPA) ang may kagagawan ng krimen.
“Base sa lahat ng mga nakuha na impormasyon na hawak ngayon ng mga pulis na siyang ibinigay ng mga witnesses, lalo na ang mga bodyguards ni Mayor, ang nagsagawa ng krimen na ito ay naka-lead talaga sa NPA.” Ani Padilla.
Bagamat may pangamba aniya ang mga mamamayan ng Loreto sa maaaring pagganti ng mga NPA sa gagawing pagtugis ng AFP sa kanila, mariin naman nila itong kinondena.
“Medyo may pangangamba ang ating mga kababayan pero we strongly condemn, sila na mismo ang nagsasabi na kanilang ire-refuse ang mga ginagawang pagpasok ng NPA sa lugar ng Loreto.” Pahayag ni Padilla.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita