Alternatibo.
Ito ang dapat mapunan at matiyak, ayon kay political at military analyst Professor Clarita Carlos, ng mga nagsusulong na mapatalsik sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Carlos na kung walang makikitang magandang ipapalit sa Pangulong Duterte sa gitna ng mga malalaking usapin, dapat tumahimik na lamang ang mga nagsusulong na sipain ito sa puwesto.
We are a democracy. Pwede ka namang bumatikos s ating mga pinuno, pero bakit… gusto natin pababain agad sila? Meron ba kayong alternatibong ilalagay dyan? Ang inyong alternatibong ilalagay dyan ay mas magaling ba na mag-solve ng COVID-19? At dyan sa issue ng EEZ natin? Kasi kung hindi, mag-shut up nalang kayo. Ilang days nalang matatapos na itong administrasyon ito,” ani Carlos. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas