Tila nagsisimula na ang labanan sa pulitika kaugnay sa 2022 national elections.
Ito, ayon kay political analyst Professor Ramon Casiple, ay matapos sumulpot ang mga grupong nananawagan na magresign na ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman aniya siya naniniwalang walang halong pulitika ang mga katulad na panawagan.
Naniniwala si Casiple na valid naman bilang election issues ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) response at West Philippine Sea sa dahilan kaya’t pinagbibitiw sa tungkulin ang Pangulong Duterte.
Inamin ni Casiple na matagal tagal niyang inabangan ang mga galawang pang-eleksyon matapos ang pagkalat noong mga nakalipas na buwan ng tarpaulin na nagpapatakbo kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidential elections.
Alanganamang sabihin mong mali sila pero hindi mo naman maiiwasan na kahit anong gawin mo, lalo na ‘yung mga ganyang klaseng panawagan, e, may epekto ‘yan sa pulitika. Kaya noong narining ko ‘yan, ‘yung ganyang panawagan, e, simula na nga ang labanan sa pulitika,” ani Casiple. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas