Nagbabala ang Department Of Justice – Office Of Cybercrime (DOJ-OOC) kaugnay sa publiko kaugnay sa nangyaring pag-tatag sa mga Facebook users ng isang post na mayroong malisyosong nilalaman o “adult video”.
Sa pahayag ng DOJ-OOC, pinaalalahanan ang mga Facebook users na huwag nang pindutin ang naturang tagged post dahil magreresulta lamang umano ito ng otomatiko at random tagging na kaparehas rin ng naturang post.
Gayunman, kinumpirma na rin umano ng Facebook na kanila nang tinanggal ang page na nagli-linked sa naturang malisyosong post at pinatawan na rin ng kaukulang parusa ang mga administrator ng nasabing page.
Maituturing umano itong paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime prevention act of 2012.