Posibleng tumamlay ang pagpapadala ng Pilipinas ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa mga bansang pinaiiral pa rin ang “Kafala system”
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, matagal nang hinihiling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang abolisyon ng naturang sistema dahil dito malalagay sa alanganin ang mga OFW.
Sa ilalim ng Kafala system, pinapayagan ng pamahalaan ng Middle East na hawakan ng mga employer ang pasaporte at visa ng mga OFW na nagtatrabaho sa kanila.
Ibig sabihin aniya nito ay hawak nila sa leeg ang ating mga kababayan at pwede nilang ilipat-lipat ang mga OFW sa kahit kaninong employer at hindi ito makakauuwi basta-basta dahil walang exit visa.