Tuluy-tuloy ang paghahanap ng Filipino community sa Pinoy dialysis nurse na nawawala sa New York, USA.
Kinilala ang Pinoy nurse na si Leo Sactigador, 39 anyos at nagtatrabaho sa Mount Sinai Hospital sa New York City.
Ayon sa report, si Castigador ay nawala sa 125th St. sa Manhattan, New York nitong nakalipas pa ng araw ng linggo.
Ang nasabing lugar kung saan nawala si Castigador ay pinamumugaran umano ng Black Americans.