Iginigiit ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbawas sa quarantine period sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi sa DWIZ ni Bello na iniiwasan nilang masimot ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagsagot sa lahat ng mga pangangailangan ng mga OFW, bukod pa sa may suporta ng mga doktor, ang pagpapaikli sa quarantine period.
Pagpapasyahan pa naman aniya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung kailangang ibaba sa 10 mula sa 14 na araw ang mandatory quarantine period sa mga OFW at magsagawa ng rekomendasyon sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Meron pa namang natitira, pero kailangan talagang ibaba. ‘Yun ang pinakiusap ko nga. Kung hindi ibababa sa dating quarantine period, e, talagang kukulangin na ang pondo ng OWWA at ‘yun ang iniiwasan namin. Malaking bagay ‘yon,” ani Bello.
Ipinabatid pa ni Bello na malaking pondo ang matitipid sakaling mabawasan ng apat na araw ang quarantine period ng mga OFW na nasa 10,000 hanggang 15,000 ang bumabalik sa bansa kada araw.
Ang laking discount ‘yon. We are actually… 10 to 15 000 OFWs everyday araw-araw ‘yan, pinapakain natin ‘ya,n binabayaran natin ang accommodation nila, napakalaking tulong ‘yan kung maibababa,” ani Bello. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais