Pitong milyong residente sa Metro Manila dapat mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) para maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ayon kay Prof. Guido David ng UP OCTA Research group.
Sinabi pa ni David, na dapat pag-aralan ng mabuti ang pagpapaluwag ng restriksyon sa bansa para masigurong ligtas ang publiko.
Samantala, sa pinakahuling datos ng gobyerno ay nasa 1,353,107 Filipino na ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
— sa panulat ni John Jude Alabado