Nakaplano na ang paglalaanan ng mahigit kalahating milyong doses ng Sinovac na dumating sa bansa kahapon.
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, special adviser to the National Task Force Against COVID-19, matapos mapabilang sa mga personal na sumalubong sa nasabing supply ng bakuna.
Ipinabatid sa DWIZ ni Herbosa na 100,000 doses ng bagong supply ng Sinovac vaccines sa Metro Manila at iyong iba ay para sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), gayundin ang mga iba pang nasa priority list o A1 hanggang A3 categories.
Ang plano is to distribute about a hundred thousand doses dito sa ating gma lungsod sa Metro Manila kasi nga dito ang madaming cases. And the remaining 400,000 [doses], idi-distribute sa mga region na matataas din [ang COVID-19 cases]. Priority ‘yung mataas ang numbers of cases. May distribution plan na ginawa na ‘yung National Vaccine Operations Center. ‘Yung prioritization nasa A3 pa rin tayo, A1, A2 and A3,” ani Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais