Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR) ang “community panTREE” sa Quezon City, kasabay ng paggunita ng ‘Earth Day’.
Sa patuloy na pagdami ng community pantry na sumisimbolo sa bayanihan ng mga Pinoy, nagtayo rin ang DENR ng community panTREE kung saan sila ay namimigay ng mga halaman imbes na pagkain.
Nagpamigay ang ahensya ng mga libreng seedlings at libreng fruit-bearing tress katulad ng Atis, Bayabas, Bignay, Guyabano, at Lipote.
Pati na rin ng mga seedlings ng talong, kamatis, at iba pang gulay.
Ayon pa sa DENR, ang naturang inisyatibo ay nakatutulong rin sa paghikayat ng urban at backyard gardening lalo na sa panahon ng pandemya sa bansa.
Samantala, magkakaroon rin ang DENR ng “rolling Community panTREE” para sa indibidwal na nais magbigay o kumuha ng mga halaman sa ilang lugar sa Metro Manila: “Magtanim ayon sa kakayanan. Umani ayon sa pangangailangan.”
LOOK: People start lining up in the Community PanTREE of DENR National Capital Region for free seedlings of…
Posted by DENR National Capital Region on Wednesday, 21 April 2021