Tulad ng inaasahan, naging matagumpay ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ngayong taon sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic, gayundin ang umiinit na tensyon sa West Philippine Sea.
Ito’y ayon kay US Embassy Charge d’ Affaires John Law sa closing ceremony sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Law, naipakita ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo na napakahusay ng kanilang pagtutulungan sa trabaho sa kabila ng lahat ng hamon at komplikasyon.
Palagi aniyang bukas ang US military sa mga pagkakataon na makapagsanay kasama ang AFP at masaya ang mga Sundalong Amerikano sa bawat pagkakataon na binibigay sa kanila na makapunta sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Lorenzana na ang Balikatan ay nakatuon lang sa pagsasanay at hindi para makipagdigmaan sa ibang bansa.
Partikular aniyang tinutukan dito ang pagtugon sa mga kalamidad na aniya’y mas mahalaga sa kasalukuyang panahon.