Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 96 kilometro sa timog silangan ng bayan ng Sarangani.
Sinasabing ‘tectonic’ ang pinagmulan ng nabanggit na lindol.
Kasabay nito, nagkaroon din ng magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Zambales.
Wala namang naitatalang pinsala at inaasahang aftershocks sa mga nasabing pagyanig.