Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na hindi gumagamit ng Facebook o social media ang departamento sa pagpapa-schedule ng passport appointment.
Ayon sa DFA, hind nila otorisado ang sinumang tao o kumpanya na mag-schedule o tumanggap ng appointment.
Batay sa inilabas ng advisory ng DFA tanging sa official website lamang na passport.gov.ph dapat magpa-schedule.
Samantala, hindi naman inihayag ng ahensya kung may natanggap itong reklamo kaugnay dito.—sa panulat ni Agustina Nolasco
‼️READ‼️ #DFAAdvisory: On Passport Appointment Offers on Social Media (Payong Pampubliko: Kaugnay Sa Mga Hindi…
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Friday, 23 April 2021