Umakyat na sa anim ang labi na nadiskubre ng Philippine Coast Guard(PCG) mula sa sumadsad na barko na LCT Cebu Great Ocean sa Surigao Del Norte matapos matagpuan ang dalawa pang bangkay.
Habang pito ang nakaligtas at pito pa ang kasalukuyang pinaghahanap.
Ayon sa mga survivor, hinampas ng malalaking alon ang kanilang barko hanggang sa maputol ang kadena ng angkla nito at tuluyan na ngang pinasok ng tubig.
Samantal ayon naman sa PCG, magkasunod na natagpuan ang labi nina Klint Auxtero at at Limuel Dadivas sa karagatang sakop ng Barangay Oslao at Barangay Balite sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte bandang alas-sais ng umaga nitong Biyernes.
Matatandaang lulan ng barko ang mga nickel ore at 2,000 litro ng diesel.—sa panulat ni Agustina Nolasco
PCG RECOVERS 2 BODIES OF LCT CEBU GREAT OCEAN MISSING CREWMEMBERS; 7 STILL MISSING
The Philippine Coast Guard (PCG)…
Posted by Philippine Coast Guard on Saturday, 24 April 2021