Umabot na sa 30,000 ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 sa Pasig City.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, nabigyan na rin ng initial doses ang labing-apat na porsiyento ng mga senior citizens sa lungsod.
Ngunit sinasabing nauubusan na umano sila ng supply ng bakuna.
Dahil dito, sinabi ni Sotto na suspendido muna ang operasyon ng ilang vaccination sites sa siyudad at umaasa itong mabubuksan ito sa mga susunod na linggo.