Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng droga ang nakumpiska mula sa tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Quiricada Street, Santa Cruz, Maynila.
Pahayag ni Lt. Col. John Guiagui, hepe ng Santa Cruz police station, kabilang sa mga naaresto ang isang “alyas Atong”, gayundin ang isang 28- anyos na saleslady at 40-anyos na driver.
Aabot sa 680,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa mga suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.