Dapat lamang pagyamanin at bigyang-proteksyon ang West Philippine Sea (WPS) sa anumang gawaing sumisira sa likas na yaman nito ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongon.
Ani Gongon,anumang pagkasira na makakaapekto sa ibang bahagi ng karagatan at maging karagatan ng ibang bansa ay may dulot sa karagatang sakop ng bansa dahil magkakaugnay ang katubigan.
Dagdag nito, mahalaga ang WPS para sa mga kababayan nating mangingisda gayong 24,300 metric tons ng isda ang maaaring makuha sa naturang karagatan na katumbas ng 7.36% ng huling isda sa buong bansa.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng ahensya sa epektong dulot ng 240 Chinese ships sa WPS.—sa panulat ni Agustina Nolasco