Inihain sa kamara ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga ang panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Batay sa House Bill No. 9252, layon nitong amyendahan ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 kung saan nais ng mambabatas na gawing libre at obligado ang publikong magpabakuna sa mga pampubliko ospital o health center sa bansa.
Paliwanag ni Barzaga, inihain niya ang nasabing panukalang batas para sa kabutihan ng publiko dahil malabo aniyang magkaroon ng herd immunity ang bansa kung kaunti lamang ang magpapabakuna laban sa COVID-19.
Samantala, hindi naman isinama ng mambabatas sa kanyang panukalang mandatong pagbabakuna ang mga taong may kondisyong pang-medikal o may karamdaman.—sa panulat ni Agustina Nolasco