Pinangangambahang tumagal ng isang buwan bago magbalik sa normal ang presyo ng gulay sa mga pamilihan.
Partikular na iyong mga nagmula sa Norte tulad ng Nueva Vizcaya at Benguet na matinding sinalanta ng bagyong Lando.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, mahigpit naman nilang tinututukan ang suplay ng gulay dahil may inaasahan ding paparating mula sa mga lugar na hindi o hindi gaanong sinalanta ng bagyo tulad ng Bukidnon, Quezon at Tagaytay City na pinagkukunan din ng mga highland vegetables.
Sa pag-iikot ng DWIZ patrol sa Mega Q-Mart sa Quezon City halimbawa, P20 hanggang P130 pesos ang itinaas ng presyo ng mga highland vegetables tulad ng baguio beans, carrots, lettuce at bell pepper.
Gayundin ang iba pang gulay mula sa mga lowland areas tulad ng sitaw, talong, okra at ampalaya.
By Jaymark Dagala