Sinimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagreview sa application ng American pharmaceutical company na Moderna Incorporated para sa emergency use authorization (EUA) para sa kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Kasunod na rin ito nang pagsumite ng Moderna ng application para sa EUA kahapon, Lunes.
Una nang inaprubahan ng FDA ang emergency use sa Pilipinas ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen at Bharat Biotech.
Lumagda na rin ang gobyerno at private sector sa pangunguna ni business tycoon Enrique Razon sa isang tripartite agreement sa Moderna para sa 20-million doses ng kanilang COVID-19 vaccine kung saan 13-million ay mapupunta sa gobyerno at 7-million ang gagamitin sa mga manggagawa sa pribadong sektor.