Dalawang ospital pa ang nabigyan ng compassionate special permit (CSP) para sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo, sa ngayon ay nasa limang ospital na ang kanilang nabigyan ng CSP para sa Ivermectin.
Gayunman, muling nilinaw ni Domingo na ang CSP na kanilang ibinibigay ay iba sa tinatawag na “marketing authorization” —ibig sabihin ay hindi pa ito maaaring ibenta sa merkado.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang Ivermectin matapos na mapaulat ang umano’y positibong epekto nito sa mga COVID-19 patient, ngunit sa ngayon ay pinag-aaralan pa ito.