Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo na isinampa ng CHR laban sa mga pulis Maynila kaugnay sa umanoy sikreto o tagong kulungan na nadiskubre noong 2017.
Ayon kay Deputy Ombudsman Cyril Ramos hindi sapat ang mga ebidensyang isinumite ng CHR para patunayan ang sinasabi nitong secret cell sa Rahabago Police Station 1 sa Tondo, Maynila kung saan ibinunyag din ng mga detainee ang paghingi ng mga pulis ng 40 hanggang P200,000 para makalaya sila.
Sinabi ng Ombudsman na nakita naman ang pagsisiksikan ng 12 katao na nakakulong sa isang maliit na espasyo subalit hindi ito nangangahulugang ginawa ito ng mga pulis “in bad faith”.
Una nang inihayag ni Supt Roberto Domingo, noo’y station commander ng Rahabago Police Station 1 na ang mga naturang bilanggo ay inilagay lamang sa isang investigation room habang naghihintay ng inquest proceedings at tinawag na alegasyon ang nabunyag na extortion claims.