Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakaroon ng automatic travel ban sa mga bansang may mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Hontiveros, hindi na dapat maghintay pa ng public clamor ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force bago pa magpatupad ang mga ito ng travel ban.
Giit ng senadora, sana ay huwag maging “welcoming committee” ang Pilipinas sa iba’t ibang variant ng COVID-19 dahil sa napakabagal nitong desisyon laban sa paglaganap nito sa bansa.
Sa halip din aniya na mangolekta ang Pilipinas ng mga COVID-19 variants ay matagal nang dapat na nagkaroon ng konkretong guidelines at protocols ang IATF hinggil sa otomatikong pagpapatupad ng travel ban, batay na rin sa mga datos ng ibang mga bansa.
Magugunitang kahapon lang ipinag-utos ng Palasyo ang pagpataw ng travel ban sa mga biyahero na magmumula sa India mula ika-29 ng Abril hanggang ika-14 ng Mayo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)