Sarado ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi hanggang ika-17 ng Mayo.
Ito’y bilang pagsunod sa local lockdown na ipinatupad dahil sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa.
Kasabay nito, nagpaalala si Ambassador Ramon Bagatsing Jr. sa Filipino community na manatili sa kani-kanilang bahay at mag-ingat.
Una rito, napaulat ang pagkamatay ng dalawang Pinoy sa India dahil sa COVID-19.