Umabot sa 31 ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa ngayong Miyerkules batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Bukod pa rito, nakapagtala rin ang DFA ng apat na bagong nasawi sa virus na Pilipinong nasa abroad dahilan upang umakyat sa 1,145 ang lahat ng namatay.
Sa kabuuan mayroon nang 18,301 Pilipinong dinapuan ng naturang virus sa ibang bansa habang 11,220 sa mga ito ay gumaling na at 5,936 naman ang patuloy pang nagpapagaling.