Pinalawig pa ng Meralco ang kanilang no disconnection policy hanggang ika-14 ng Mayo ngayong taon.
Ito’y makaraang i-extend din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaiiral na Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR plus.
Ayon kay Ferdinand Geluz, Chief Commercial Officer ng Meralco, ito’y bilang pagbibigay-konsiderasyon sa maraming customer.
Nangangahulugan na walang mapuputulan ng kuryente sa mga lugar na sinusuplayan ng Meralco sa loob ng nasabing panahon.
Gayunman, nilinaw ni Geluz na magpapatuloy ang kanilang meter reading at paghahatid ng bill sa kanilang mga kustomer habang umiiral ang MECQ.