Planong bumuo ng after-care program ang gobyerno para sa mga gumaling sa COVID-19 upang mapagaalan ang kanilang social healing at mental care.
Ito ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr.
Sabi pa ni Galvez, marami na umano silang natatanggap na suicide cases sa kanilang tanggapan ito ay seryosong problema sa gitna na nararanasan na hirap dulot ng pandemya.
Dagdag pa ni Galvez, nakikipag-ugnayan na sila sa mga eksperto ukol sa “social healing and mental care” program.
Samantala, sa huling tala ng Department of Health (DOH) nasa 942,239 ang kabuuang COVID-19 survivors sa bansa.