Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.
Sa abiso ng PSA, nireresolba na ng kanilang technical team ang naturang isyu.
Nanghingi naman ng paumanhin ang PSA sa publiko kaugnay sa naturang aberya at kaagad na magbibigay ng updates oras na maayos na ang isyu sa kanilang website.