Namahagi ang Eastern Police District (EPD) ng mga health kits at food packs bilang tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.
May kabuuang 1,300 na mga food packs at health kits ang ipinamahagi bilang ayuda sa piling barangay na nasasakupan ng EPD kung saan nangangailangan ng tulong ang mga residente dahil sa nagpapatuloy na pandemya.
Ayon kay EPD District Director PBrig. Gen. Matthew Baccay, patuloy aniya ang EPD sa pakikiisa at pagtulong sa mga kababayan na lubhang apektado ng pandemya.
Para lalong ipakita ang pagbabayanihan ng mga Pilipino at upang makahikayat rin ng ibang tao na tumulong sa kapwa lalo na sa panahon ng pandemya.
Samantala, patuloy naman ang programa ng EPD na libreng sakay.
Ang naturang libreng sakay ay nagsisimula ng alas 9:00 ng umaga at nagtatapos ng alas 5:00 ng hapon.
Ang naturang ruta naman ay mula sa Pasig Mega Market hanggang EDSA Crossing at pabalik sa Pasig City.
Patuloy namang nagpapaalala ang EPD na sumunod sa mga health at safety potocols na inilatag ng pamahalaan.
EPD Simultaneous Conduct of Barangayanihan
The Eastern Police District under the leadership of PBGEN MATTHEW P BACCAY,…
Posted by Eastern Police District- National Capital Region Police Office on Wednesday, 28 April 2021
KAGANAPAN: “EPD LIBRENG SAKAY” “Tuloy-tuloy parin.!!”
Sa kabila nang pananalasa ni COVID -19, patuloy paring…
Posted by Eastern Police District- National Capital Region Police Office on Thursday, 29 April 2021