Tiniyak ng Malacañang na ginagawa lahat ng gobyerno para masolusyunan ang kagutuman sa panahon ng pandemya.
Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi rin maaaring maisantabi ang napakarami pang mas dapat gawin o tugunan ng gobyerno.
Ani Roque, nauunawaan nila na kapag natigil ang trabaho ng isang indibidwal, kagutuman ang magiging resulta nito.
Kaya aniya napakahirap na desisyon ang pahabain pa ang lockdown dahil sa idinudulot nito sa hanapbuhay ng mga Pilipino.
Ito ang naging reaksyon ng Malacañang matapos lumabas ang survey ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na anim (6) sa bawat 10 Pilipino ang nakaranas ng gutom simula ng magkapandemya.