Inaasahang magbubukas na ng buo ang mga establisyemento sa lungsod ng New York sa Amerika sa Hulyo 1 ayon kay New York City Mayor Bill de Blasio.
Paliwanag ni de Blasio handa na ang lungsod na buksan ng buo ang mga negosyo,opisina,teatro at iba pang establisyimento nito.
Dagdag nito, may mga kailangan lamang tapusing trabaho at ang susi para sa tuluyang pagbubukas ng lungsod ay kapag nabakunahan na ang lahat.
Samantala hindi naman tinukoy ng Alkalde kung paano at kelan mismo aalisin ang paghihigpit sa pandemya.
Magugunitang nasa 32,000 katao na ang namatay sa New York dulot ng COVID-19.