Libreng cake at pastries.
Ganyan ang ipinamahagi sa isang community pantry sa Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon na sinasabing nilahukan ng mga aabot sa 30 home bakers.
Ang Community Cake and Pastries Pantry ay inilatag ng magkakaibang sina Roxanne Ornoza, Inna Isabel Alegre at Kiana Henson na anila’y layong magbigay-saya sa kanilang mga kababayan sa tulong ng kanilang talento sa pagbe-bake.
Nakatawag-pansin din sa publiko ang kakaiba at nakakaaliw na mga caption sa mga cake tulad ng “Tikim-tikim lang mahal ang insulin,” “Kumain ayon sa timbang,” “Kumain ayon sa diabetes,” “Kain lang hindi lamon,” at “Kain ayon sa Umay.”
Hindi naman umano inasahan ng magkakaibigan na wala pang isang oras ay naubos ang kanilang 1,000 libreng cake at pastries matapos dumugin ng tinatayang dalawang daang residente.