Patay ang isang lalaki habang dalawa naman ang nalapnos ang katawan makaraang aksidenteng makuryente ang mga ito sa Barangay Balogo, Pigcawayan sa North Cotabato.
Ayon sa mga awtoridad, nakilala ang mga nasawi na si Jesus Tagaan habang nadamay ring nakuryente sina Maynard Igcalinos at Rene Igcalinos na mga residente ng Kalakakan, Pikit.
Batay sa nakuhang impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, aksidenteng nakuryente ang mga biktima sa ginagawang water system sa nabanggit na lugar.
May dala umanong tubo si Tagaan na sumabit sa live wire kaya’t nakuryente ito habang nadamay naman ang dalawa pang kasamahan nito.
Samantala, sugatan din sa insidente si Police Staff Sergeant Atilano Arandilla lll nang tumulong ito para ma-rescue ang mga biktima.