Humingi ng paumanhin ang Philippine Statistics Authority o PSA sa nangyaring aberya sa unang araw ng online registration para sa National ID system.
Ito’y dahil sa dami ng nagbukas ng kanilang portal ay hindi nakayanan ng kanilang website.
Umabot kasi sa halos 40K registrants ang kanilang natanggap sa unang minuto matapos ilunsad ang national id system.
Dahil dito, naapektuhan ang kanilang pagpapadala ng one time password na kailangan sa pagpaparehistro dito.
Samantala, tiniyak ng psa na bibigyang aksyon ang nangyaring problema sa sistema.
Una rito inilunsad ng psa ang online registration para sa national ID upang maabot ang target na pitumpung milyong katao bago matapos ang taong 2021.— sa panulat ni Rashid Locsin