Posibleng sa susunod na taon makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.
Ito ay ayon kay Department Of Health o DOH Secretary Francisco Duque III na kung hindi dumating sa itinakdang panahon ang mga bakuna maaaring sa unang bahagi ng 2022.
Mararamdaman ang herd immunity kapag mayroong sapat na miyembro ng populasyon ang immune na sa sakit para hindi na kumalat pa ang naturang virus.
Kailangan ng bansa ng 140 milyong doses ng bakuna upang maabot ang target na 70 milyong kataong babakunahan sa bansa.
Samantala, mahigit 1.8 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.— sa panulat ni Rashid Locsin