Inihayag ni Senador Bong Go na mahirap pa sa ngayon na obligahin o gawing mandatory sa publiko ang pagpapabakuna kontra COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Go na hindi pa rin mai-aalis sa publiko ang takot o agam-agam hinggil sa pagtuturok ng bakuna dahil hindi pa naman ito lubos na napag-aaralan.
Kung kaya’t ani Go, dapat na ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna para maabot ang ‘herd immunity’ at tuluyang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
Sa kabila nito, binigyang diin ng Senador na tanging ang bakuna lang ang susi para unti-unting bumalik sa normal ang ating pamumuhay.