Inamin ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na may inendorso ang DILG kay Pangulong Rodrigo Duterte na isang opisyal ng pulisya na nais nilang pumalit bilang bagong hepe ng PNP sa napipintong pagreretiro ni PNP Chief Debold Sinas.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Malaya na nasa Pangulo pa rin ang pinal na desisyon kung sino ang nais niyang pumalit na PNP Chief.
Samantala, hindi naman tinukoy ni Malaya kung sino ito na magiging ika-26 na hepe na ng Philippine National Police (PNP) oras na magretiro sa Mayo 8 si Sinas.