Isasalang na sa preliminary investigation ng Commission on Elections o COMELEC si Senador Grace Poe.
Batay ito sa reklamong inihain ng kanyang kapwa presidentiable na si Rizalito David dahil sa di umano’y paglabag sa Omnibus Election Code.
Nakatakdang humarap si Poe sa komisyon sa Nobyembre 3 dakong alas-2:00 ng hapon.
Batay sa reklamo ni David, nagkasala ng material misrepresentation si Poe dahil kasinungalingan ang inilagay nito sa kanyang certificate of candidacy noong tumakbo itong senador noong 2013.
Tatlo pang kaso ang nakahain sa COMELEC laban kay Poe na kumukuwestyon sa kanyang kwalipikasyong tumakbo sa mataas na posisyon dahil hindi umano sya maituturing na natural born citizen.
By Len Aguirre