Halos 6,000 contact tracers ang nakatakdang i-deploy sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), batay sa nilagdaang agreement ay magtatrabaho ang mga ito sa loob ng tatlong buwan at sasahod ng P537 kada araw.
Ang tinatayang 5,754 contact tracers ay na-hire sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Worker Program ng labor department.
Mahigit P280 milyon ang inilalaang pondo ng DOLE para sa naturang programa.