Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa National Capital Region (NCR) plus mula noong a primero hanggang sa ika-14 ng Mayo.
Ito’y dahil sa pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa bansa.
Ayon sa Comelec, bukod sa pagpaparehistro ay suspendido rin ang pagbibigay ng sertipikasyon ng botante.
Maliban sa NCR plus, nagsuspinde na rin ang Santiago City, Isabela, Abra at Quirino sa pagpaparehistro at pag-isyu ng voter’s certification.
Bukod dito, suspendido na rin sa ilang lalawigan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at MECQ ang pagpaparehistro ng mga botante.
Habang ang Comelec office for overseas voting (OFOV) sa Intramuros, Manila ay maaaring bisitahin ang official facebook page ng OFOV o kaya sa kanilang email overseasvoting@comelec.gov.ph o ov.concerns@comelec.gov.ph o via phone 09050345158 or 09158759882.
Samantala, tuloy naman ang pagpaparehistro ng mga botante at pag-isyu ng voter’s certification sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) mula Lunes hanggang Huwebes. — sa panulat ni Rashid Locsin.